About

TUNGKOL SA AMIN

Ang website na Ngipin.info ay isang proyekto na naglalayong tulungan ang mga Pinoy na makayanan at maiwasan ang pagkasira ng ngipin. Ang website na ito ay naitatag noong 2016 at kasalukuyang naka base sa General Santos City, Pilipinas.

Dahil sa likas na hilig ng mga Pinoy sa pagkain at pagiging pabaya sa kalusugan ng bibig, karamihan sa mga Pinoy sa ngayon ay may nabubulok na ngipin. May mga tao na talagang takot sa dentista, idagdag pa natin ang mga ayaw magpatingin dahil sa takot na baka singilin sila ng mahal sa mga dental clinics. Nais ng may-akda ng Ngipin.info na magbigay ng libreng mga kaalaman sa pamamagitan ng masusing pagsasaliksik sa mga bagay na kadalasang itinatanong ng mga Pinoy tungkol sa kalusugan ng bibig. Tumatalakay din ang website na ito tungkol sa iba’t ibang sakit sa ngipin, kung paano malulunasan at maiiwasan ang mga ito. May praktikal na mga mungkahi rin na makukuha sa website na ito ukol sa kung paano mapananatili ang maganda at kaakit akit na ngiti.

Bagaman masinsinan ang ginawang pagsusuri bago ilathala ang alin man sa mga artikulo sa website na Ngipin.info, hindi ito maaaring gawing kapalit ng ekspertong mga mungkahi ng iyong dentista. Sumangguni sa doktor sa ngipin para sa propesyunal na tulong.