Sungking Ngipin – Agapan Para sa Matamis na Ngiti

Ang sungking ngipin ay isa sa mga suliranin ng ngipin na hindi masyadong napagtutuunan ng pansin at kadalasan ay pinababayaan na lamang. Ngunit lingid sa ating kaalaman ito ay may dala at maaari pang magdagdag ng suliranin maliban sa epekto nito sa kagandahan ng ating pagngiti.

Bahagi ng oral hygiene ang pagsesepilyo, paggamit ng dental floss at paggamit ng mouthwash. Ngunit ang hindi natin alam, ang sungki na ngipin ay napagtataguan at kapag tumagal pa ay napapamahayan ng mga bacteria. Ang mga bacteriang ito ay maaaring maging dahilan ng mas malala pang problema gaya ng cavities at unti unting pagkasira ng ngipin. Kaya naman makabubuting solusyunan sa halip na hayaan na lamang ang sungking ngipin.

Mga Paraan Upang Maisaayos ang Sungking Ngipin

May ilang paraan na ipinapayo ang mga dentista bilang solusyon sa sungking ngipin. Ilan sa mga ito ay ang paglalagay ng parang sementong ilalapat sa ngipin upang makuha ang ninanais na magandang hugis at kulay nito. Ngunit ang nakalulungkot na bahagi ay ang halaga, dahil depende sa kagamitan ang pinakamababang veener ay nagkakahalaga ng P12,000 hanggang P76,000 bawat ngipin.

Ang sculpture naman ay ginagamit upang mabawasan ang sungking ngipin. Ginagamitan ito ng drill, ng laser at hardening paste upang mapaluwag ang bahaging kailangang galawan ng ngipin upang maihanda sa pagsasaayos ng linya nito. Ang hindi mabuting bahagi nito ay ang pagrupok ng ngipin na epekto ng pagkabawas ng ilang bahagi nito.

Ang invisalign naman ay isang solusyon sa sungking ngipin kung saan naisasaayos ang linya ng ngipin na sungki ng hindi nakikita. Ito ay gawa sa transparent na device na maaaring tanggalin sa mga oras kailangan gaya ng pagsesepilyo, pagkain o pagnguya ng mga pagkaing maaaring dumikit sa ngipin. Subalit itinuturing man itong pinakamagandang solusyon sa ngipin na sungki, ito naman ang pinakamahal kung kaya’t iilan lamang ang pumipili sa ganitong uri ng solusyon.

Braces o ang piraso ng wire na inilalagay sa ngipin sa loob ng mula anim na buwan hanggang dalawang taon o higit pa depende sa antas na kailangang ayusin ang pinakamadalas na gamit ng mga tao na nais ipaayos ang kanilang ngipin na sungki. May kamahahalan man, ngunit itinuturing ito na isa sa pinaka epektibong paraan ng pagsasaayos ng linya ng ngipin.

Magkano ang magpa-brace ng ngipin?

Ang pagpapalagay ng brace sa ngipin sa Pilipinas ay kadalasang nagkakahalaga ng P30,000 hanggang P90,000 depende sa antas ng kailangang ayusin. Hindi naman kailangang bayaran ng buo ang nasabing halaga dahil may mga dentista na pumapayag na magbayad lamang ng downpayment sa unang pagpunta. Ang balanse ay kinukumpleto ng pasyente sa bawat pagbisita nito sa dentista para sa follow up check up na umaabot ng dalawang taon.

Magkano ang Retainers?

May mga pagkakataong ipinapayo ng dentista mag lagay ng retainers pagkatapos na maalis ang braces. Ito ay upang mapanitiling nakaayos ang linya ng ngipin. Nagkakahalaga ito ng P3,500 hanggang P8,500 kasama na ang kabayaran sa Ortho. May mga pagkakataon namang isinasama ito ng dentista sa package na iniaalok sa pasyente.

Pustiso na may Braces

Sa mga pasyente naman na nais magpabrace ngunit may kulang na ngipin, ipinapayo ng dentist ang paglalagay ng denture bago ang braces. Ang halaga nito ay kadalasang isinasama rin sa package na iniaalok sa nais magpaayos ng sungking ngipin.

Anuman ang dahilan ng pagpapaayos ng ngipin, mahalaga sa bawat isa ang pagkakaroon ng isang maayos na pakikipag ugnayan at kadalasang ang hudyat nito ay isang matamis na ngiti.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Sungking Ngipin – Agapan Para sa Matamis na Ngiti
5 (100%) 1 vote

Sabihin sa iba ang tungkol dito!

KATULAD NA MGA ARTIKULO