Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Singaw sa Dila

Ikaw ay may singaw sa dila kaya naghahanap kung ano ang mabisang lunas dito? Ang artikulong ito ay tutulong sa iyo na maunawaan ang mga dapat mong malaman sa singaw sa dila: mga paraan kung paano ito gagamutin at maiiwasan.

Ano ang singaw sa dila?

Ang singaw sa dila at bibig o canker sore ay isang mababaw na ulcer na tumutubo sa bibig na nagiging sanhi ng paghihirap ng mga meron nito kapag kumakain o nagsasalita.

May dalawang uri ng singaw:

Simpleng singaw – Ito ang uri ng singaw sa dila o bibig na maaaring tumubo ng tatlo o apat na beses bawat taon at maaaring manatili sa loob ng isang linggo. Ito ay madalas na maranasan ng mga taong sampung taong gulang hanggang dalawampung taong gulang

Kumplikadong singaw – Ito ay hindi gaanong karaniwang uri ng singaw at maaaring tumubo sa mga taong nagkaroon na nito dati.

Ano ang sanhi ng singaw sa dila?

Hindi natin tiyak kung ano ang eksaktong dahilan ng pagkakaroon ng singaw. Ang pagkakaroon ng matinding stress o sugat sa bibig ay siyang itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng simpleng singaw sa dila o bibig. May mga pagkain na nakapagpapalala ng singaw sa dila – tulad na lamang ng maaasim na mga prutas. Kung minsan, ang matutulis na ngipin o pustiso at hindi na kasyang mga brace sa ngipin ay siyang pinagmumulan ng singaw.

Ang ilang mga kaso ng kumplikadong singaw sa dila o bibig ay bunga ng isang sakit tulad ng mahinang immune system, kakulangan sa nutrisyon tulad ng kakulangan sa B-12 o kakulangan sa iron. Maaari namang ito ay dahil sa isang sakit sa sikmura.

Ano ang mga sintomas ng singaw sa dila?

Ikaw ay may singaw kung meron kang masakit na mga sugat sa loob ng iyong bibig sa dila o san gala-ngala. Pwede rin itong tumubo sa panloob na mga pisngi. Bago lumitaw ang singaw, makakaranas ka ng paghapdi sa lugar kung saan ito tutubo. Masasabi mong singaw nga ang dumapo saiyo kapag ang mga sugat ay pabilog, kulay puti o abuhin na may mapupulang gild.

Sa malalang mga kaso ng singaw sa bibig, makakaranas ka ng pagkakaroon ng lagnat, panghihina ng katawan at pamamaga ng kulani.

Ano ang gamot sa singaw sa dila at bibig?

Ang sakit na dala ng singaw sa dila ay kadalasang nawawala sa loob lamang ng ilang araw, at ang mismong namamagang mga sugat at gumagaling kahit walang gamot sa loob lamang ng isa o dalawang linggo. Pero may mga nabibiling pampahid para sa singaw na pwede mong gamitin. Makakatulong ito na mabawasan ang sakit at pagiging sagabal ng singaw. Magtanong sa pinakamalapit na botika kung anong gamot ang bagay sa singaw.

Maaari bang maiwasan ang pagkakaroon ng singaw?

Bagaman walang gamot sa singaw sa dila o bibig at kadalasan na ay ito ay bumabalik, may mga pamamaraan naman na pwede kang gawin para maiwasan mo ito. Maaaring mong gawin ang mga sumusunod na hakbag:

  • Mag-iwas sa mga pagkaing maaaring maka-irita sa bibig mo tulad ng mga citrus, maaasim o maaanghang na mga pagkain.
  • Mag-iwas sa pagnguya ng chewing gum
  • Paggamit ng may malambot na hiblang sipilyo. Makakatulong din ang regular na paglinis ng bibig

Tumawag o magbisita agad sa doktor kung iyong singaw sa dila ay:

  • Hindi pangkaraniwan ang laki ng singaw
  • Lumalaki pa lalo
  • Hindi nawawala sa loob ng tatlong linggo
  • Sakit na hindi matiis, nanatili pa sa kabila ng pag inom ng pain reliever
  • Mataas na lagnat na kasabay ng singaw

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Singaw sa Dila
1 (20%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO