Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pustiso

Nagbabalak ka bang magpa-pustiso? Ang artikulong ito ay sasagot sa mga katanungan mo tungkol sa pustiso, tulad ng mga sumusunod:

  • Ano ang pustiso?
  • Ano ang magandang klase ng pustiso?
  • Magkano ang pustiso sa pilipinas?
  • Paano gumamit ng pandikit sa pustiso?

Ano ang pustiso?

Ang pustiso ay pamalit sa mga ngipin na nalagas na. Ang pustiso ay pwedeng tanggalin at ibalik sa bibig. Bagaman ang nangangailangan ng panahon bago masanay sa pustiso, ang pagsusuot nang pustiso ay hindi kailanman maikukumpara sa pagkakaroon ng tunay na ngipin. Pero may mga magandang klase ng pustiso naman na mukhang natural at mas komportable kaysa sa mga naunang disenyo.

Uri ng pustiso

Ang pustiso o dentures ay may dalawang uri: ang partial dentures at ang full dentures. Ang partial dentures ay pustiso na pang takip sa ilang piraso ng mga nalagas na ngipin. Ang full dentures naman ay ginagamit ng mga taong wala na talagang ngipin. Ang iyong dentista ay tutulong saiyo kung anong klase ng pustiso ang babagay saiyo depende sa kung kailangan nga bang bunutuin na lahat ang iyong ngipin at palitan na nang bago. Magkano magpagawa ng pustiso, kung full o partial? Pag-uusapan natin yan mamaya kaya ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa!

Paano magpa-pustiso

Kung full denture ang iyong ipagagawa, ang kulay gums na acrylic ay ilalagay sa gilagid mo. Ang ilalim ng mataas na bahagi ng pustiso ay tatapat sa ngala-ngala, samantalang ang pambabang bahagi ng pustiso ay parang sapatos ng kabayo para bigyang lugar ang iyong dila.

Ang mga pustiso ay sadyang ginagawa para sa customers sa isang dental laboratory gamit ang impresyon ng iyong bibig na kukunin ng dentista gamit ang isang timplada ng panghulma. Ang iyong dentista ang magpapasya kung anong klaseng pustiso ang ilalagay saiyo.

Conventional Full Denture. Ang conventional full denture ay isang uri ng pustiso na inilalagay sa bibig matapos na bunutin ang iba pang natitirang mga ngipin at maghilom na ang mga sugat na dala ng pagbunot. Ang paggaling ng sugat ay maaaring tumagal ng ilang buwan. Sa loob ng mga panahong iyan, ikaw ay walang ngipin.

Immediate Full Denture. Ang immediate full denture ay isang uri ng pustiso na isinusuot matapos na bunutin ang ngipin. Susukatin ng dentista ang iyong bibig bago ka magpabunot. Bagama’t may ngipin ka na agad sa pagsusuot ng immediate full denture, ang pustisong ito ay kailangang iadjust pagkaraan ng ilang buwan matapos na ito ay ilagay. Ang buto na nagsusuporta sa ngipin ay nagbabago ang hugis habang ito ay humihilom, na siyang dahilan kung bakit kailangang iadjust ang pustisong ito.

Partial denture. Ang uri ng pustisong ito ay nakadikit sa isang metal na frame na siyang ikinakabit sa natural na ngipin. Kung minsan, ang crown o isang piyesa na katulad ng ngipin ang inilalagay sa natural na mga ngipin para magsilbing angkla ng pustiso.

Magkano magpagawa ng pustiso?

Magkano ang pustiso sa Pilipinas? Ang presyo ng pustiso ay depende sa kung anong uri ng pustiso ang iyong kakailanganin at sa paggawaan ng pustiso na iyong kausap. Naghanda ng isang chart na naglalaman ng estimate kung magkano m agpagawa ng pustiso. Bagaman ito ay estimate lamang, bibigyan ka nito ng ideya kung magkakano ang magkano ang pustiso.

Uri ng Pustiso/Presyo

Partial Denture

Plastic: P700.00/tooth
China Porcelain: P800.00/tooth
Vita Porcelain: P1,200.00/tooth
Valplast: P12,000
Ivocap: P15,000
Vertex: P15,000

Full Denture

Plastic: P8,000.00 (upper/lower)
China Porcelain: P10,000.00 (upper/lower)
Vita Porcelain: P15,000.00 (upper/lower)
Valplast: P25,000.00 (upper/lower)
Ivocap: P40,000.00 (upper/lower)

Paano mo malalaman kung kailangan mong gumamit ng pandikit sa pustiso?

Ang pandikit sa pustiso ay makakatulong para kumapit at hindi malaglag ang pustiso, pero hindi naman ito palaging kailangan. Ang pustiso na kasyang-kasya sa may-ari ay hindi na nangangailangan ng pandikit, subalit marami sa mga Pinoy ang gustong gumamit ng pandikit sa pustiso para siguradong iwas laglag pustiso.

Kung sa tingin mo ay kailangan mo nito, narito ang ilang mga katanungang maaari mong ipakipag-usap sa dentista mob ago ka bumili ng pandikit sa pustiso:

  • Kailangan mo ba talaga ng pandikit sa pustiso para maging sigurado sa kapit nito?
  • Maluwang baa ng pustiso mo kaya kailangan mo nang pandikit?
  • May iba pa bang paraan para mas maging kumportable at sigurado kang makakaiwas sa laglag pustiso?

Sa pamamagitan ng regular na pagbisita sa dentista, pwede kang bigyan ng rekomendasyon kung paano mo mapapabuti ang paggamit ng iyong pustiso.

Uri ng pandikit sa pustiso

Ang pandikit sa pustiso ay may iba ibang uri katulad ng paste, pulbos at pad, ngunit ang pinaka popular na uri ng pandikit dito sa Pilipinas ay ang paste. Katulad din sa alinmang produkto, basahin at intindihing mabuti ang direksyon bago ito gamitin. Kung napasobra ang iyong paggamit ng paste, maaari nitong baguhin ang pwersa ng iyong pagkagat at maging sanhi ng ilang problema sa panga na maaaring makasira agad ng iyong pustiso.

Paano gamitin ang pandikit sa pustiso?

Ang pandikit sa pustiso ay dapat gamitin ng matipid at dapat na siguraduhing malinis ang paglalagyan na pustiso. Para makasiguro, dapat mong tanggalin ang iyong pustiso gabi-gabi bago matulog at ibabad ito sa tubig. Sa umaga, banlawan moa ng iyong pustiso, lagyan nang sapat na dami ng pandikit at ilagay agad sa bibig

Kapag nailagay mo na ang pandikit, ito ay kadalasang nagtatagal sa loob ng isang araw. Ang pangtaas na pustiso ay mas makapit at madalang itong matanggal sa normal na kainan, subalit ang pambabang pustiso ay mas malamang na matanggal dahil sa paginom at pagkain. Sa kasong ito, kailangan mong maglagay ng panibagong pandikit sa araw na iyan.

Ang pustiso ay isang naaalis at murang opsyon para mapalitan ang nalagas na mga ngipin, pero kung ito ay maluwang na, maaari itong mapasok ng mga tiring pagkain na pwedeng pamugaran ng mga bacteria na maaaring maipon dito. Buti na lamang, may mga produkto nang mabibili tulad ng pandikit sa pustiso na maaaring makatulong na maging kumportable ang pagsuot ng pustiso. Kung ikaw ay nagsusuot ng pustiso at mapansin mong maluwang na ito, magbisita ka sa iyong dentista. Bagaman pwede itong i-adjust o palitan, mas madalas na ang lunas lamang sa laglag pustiso ay ang pandikit.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pustiso
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO