Ano Ang Mga Paraang Pampaputi Ng Ngipin?

Nagsisipilyo ka ng dalawang beses kada araw. Gumagamit ka naman ng dental floss subalit nagtataka ka kasi hindi naman pumuputi ang iyong ngipin. Kung ganito ang iyong sitwasyon, mukhang kailangan mo nang sumubok ng iba pang mga paraan na pampaputi ng ngipin. Ang iyong ngipin ay nagiging dilaw dahil sa mantsa na dala ng ilang uri ng pagkain; mantsa na maaaring nasa ibabaw o nasa ilalim ng ngipin, at kung minsan, ang pagmamantsa ng ngipin ay hindi mo basta basta maiiwasan. Kung ang paninilaw ng ngipin ay dahil sa mantsa o iba pang mga dahilan, may mga produktong pwede mong gamitin bilang pampaputi ng ngipin at ang iyong dentista ay maaaring magpayo saiyo kung ano ang magandang gawin para pumuti ang iyong ngipin.

Ano ba ang dahilan ng paninilaw ng ngipin?

Bagaman ang paninigarilyo at palaging pag inom ng kape ay dahilan ng paninilaw ng ngipin, ang manipis na enamel ng ngipin ay dahilan kung bakit ang iyong ngipin ay naninilaw. Ang enamel sa ngipin ay ang matigas at maputing pang ibabaw na bahagi ng ngipin. Sa ilalim nito ay ang tinatawag na dentin, isang substance na medyo kulay kape. Ang makapal na enamel sa ngipin ay maputi, ngunit kung ito ay manipis, mas lilitaw ang kulay ng dentin kaya ito ay maaaring maging kulay dilaw ang iyong mga ngipin. Ang iyong enamel ay kusang numinipis habang ikaw ay nagkakaedad, subalit ang asido na nasa mga pagkain at inumin tulad mga candy, orange at mga softdrink na may soda ay nakapagpapanipis ng iyong enamel. Sangayon sa mga dalubhasa, ang pagkain ng anumang kakaning acidic ay nakakasira sa enamel, kahit ang ilang brand ng vitamin C.

Ang laway ay may kakayahang mag neutralize ng acid at maghugas nito, subalit may mga taong sadyang tuyo ang bibig kaya naiiwang walang proteksyon ang kanilang bibig. Halimbawa, may mga bata na humihinga gamit ang kanilang bibig dahil sa baradong ilong ay nanganganib na magkaroon ng manipis na enamel. May mga eksperto rin na sangayon sa ideya na may mga taong namana ang pagiging manipis ng kanilang enamel sa mga magulang nila.

Iba pang mga dahilan ng paninilaw ng ngipin

Ang iba pang dahilan ng pagdumi at paninilaw ng ngipin ay ang pag inom ng antibiotic o sobrang paggamit ng fluorine kung ikaw ay bata pa na sa kalaunan ay sanhi ng dilaw na ngipin kung ikaw ay adulto na. Subalit ayon kay Mauli Simrativir, isang beteranong dentista, ang pag inom ng antibiotic at sobrang paggamit ng fluorine na nasa mga toothpaste ay nagiging sanhi ng pag babati-batik ng kulay ng ngipin at hindi ng paninilaw nito. Dinagdag pa niya na kung minsan, ang dilaw na ngipin ay namamana ng mga kapamilya.

Ano ba ang pampaputi ng ngipin?

Maraming mga paraan pampaputi ng ngipin ang available para iyong pagpilian. Basahin ang mga sumusunod na hakbang para hindi ka na mahiyang ngumiti sa susunod na pagkakataon.

Baking soda at kalamansi

Ang baking soda at kalamansi ay hindi na bago kung pampaputi ng mga labahin at ng balat ang pag uusapan, ngunit pwede rin pala itong gamiting pampaputi ng ngipin! Ang baking soda ay may abrasive properties, na may kakayahang kalkalin ang mga mantsang dumikit na sa ngipin na maglalantad ng maputing kulay nito. Ang baking soda ay alkaline, kabaliktaran ng pagiging acidic, kaya makasisiguro ka na hindi nito sisirain ang iyong enamel, bagkus ay mapoprotektahan pa nga ito laban sa hindi kanais nais na mga asido sa laway na dala ng mga bawal na pagkain. Ito rin ang magbabawas sa pagiging acidic ng kalamansi juice na siyang bleaching agent ng pamamaraang ito. Pwede ka ring gumamit ng tubig bilang panghalo sa baking soda para hindi ka masobrahan sa paggamit ng kalamansi.

Kailangan mo ng tatlong kutsara ng baking soda, tamang dami ng kalamansi juice para makagawa ng paste at tootbrush.

Paghaluin ang baking soda at ang kalamansi juice o tubig para makagawa ng malapot na paste. Panusan ang bibig at alisin ang laway gamit ang tissue o paper towel. Maglagay ng paste sa toothbrush at ipahid ito sa ngipin.

Hayaan ang paste sa loob ng isang minuto at banlawan para hindi sirain ng asido sa kalamansi ang enamel ng ngipin. Kung tubig ang ginamit mo, pwede mo itong hayaan sa loob ng tatlong minuto.

Langis ng niyog, pampaputi ng ngipin!

Ang pagmumog ng langis ng niyog o coconut oil ay isang kakaiba ngunit matagal nang pamamaraan para pumuti ang ngipin. Hindi ito tulad ng bleaching effect na nasa kalamansi, ngunit ang lauric acid na nasa langis ng niyog ay epektibong pamatay ng mga mikrobyong kumakapit sa mga plaque sa ngipin na dahilan din ng paninilaw. Ito ay tumutulong din sa pananatiling malusog ng mga gilagid, na kailangan para sa mabangong hininga.

Kailangan mo ng isang kutsarang langis ng niyog, mas maganda kung may virgin coconut oil. Sa umaga bago ka magsipilyo, kumuha ka ng isang kutsarang VCO at imumog ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Pagkatapos ay iluwa ang langis, banlawan ng tubig at magsipilyo pagkatapos.

Sumangguni sa dentista

Tulad ng ipinapakita sa resulta ng paggamit ng natural na mga pamamaraan, ang paninilaw ng ngipin ay pwedeng maayos sa pamamagitan ng pag bleach. Ang iyong dentista ay may mahusay na maipapayo saiyo kung paano mo papuputiin ang iyong mga ngipin gamit ang mga paraan na tama sa kalagayan mo. Maaaring magbigay ang dentista ng bleaching kit na maaari mong dalhin at gamitin sa bahay, o kaya naman ay siya na mismo ang gumawa sa loob ng kanyang clinic. Kung bata ang pasyente, maaari niyang irekomenda na hintayin muna ang pagtubo ng permanenteng mga ngipin bago sumailalim sa bleaching procedure ang iyong anak.

Pag iwas sa paninilaw ng ngipin

Umiwas sa paninigarilyo, paginom ng maraming kape at softdrink o kaya naman ay uminom ng kape o iba pang maitim na inumin gamit straw. Uminom ng tubig o gatas pagkatapos uminom o kumain ng mga pagkaing acidic para hindi numipis agad ang iyong enamel. Ang pag sisipilyo at paggamit ng dental floss ay nakakatulong din.

Kung nangangamba ka na baka ang iyong anak ay may tuyong bibig, kailangan mo itong ipakipagusap sa doktor. Gumamit ng mga produktong may fluoride base sa rekomendasyon ng dentista.

Katulad Na Mga Artikulo