Ano Ang Gamot sa Pamamaga ng Pisngi Dahil sa Ngipin?

Hindi ka makakain ng maayos dahil sa pamamaga ng pisngi dahil sa ngipin? Naranasan mo na bang hindi matulog dahil sa matinding sakit nito? Kung oo, kailangan mong basahin ang artikulong ito. Dito malalaman mo kung ano ang ba ang pangunahing sanhi nito, at kung ano ang mabisang gamot para dito.

Toothache: Sanhi ng pamamaga ng pisngi

Bago natin alamin ang mabisang gamot sa pamamaga ng pisngi, alamin muna natin kung ano ang kinalaman ng ngipin sa pamamaga nito. Ano ba ang tootache?

Ang toothache o pananakit ng ngipin ay natural lamang sa isang tao mapa bata man o matanda. maraming sanhi ang pananakit ng ngipin, Kabilang sa mga ito ang gum infection, grinding of teeth, abnormail bite, at pagkasira ng ngipin dahil sa bakterya. Kadalasan, Nagmumula ang toothache sa tooth decay o nabubulok na ngipin. Dito, may pangingilo at pagiging sensitive ng teeth tuwing kumakain ng matatamis o umiinom ng malamig at mainit na tubig.

Sa una ay mild lamang ang pananakit ng ngipin, ngunit habang tumatagal ay patindi na ng patindi ang hatid na sakit nito. At kapag napabayaan, maaaring magkaroon ng nana sa loob ng ngipin at mauuwi ito sa pamamaga ng gilagid at kabilang ang pisngi.

Kagaya ng nasabi ko, ang panankit ng ngipin ay ang common sa isang tao, pero hindi ibig sabihin nito na hahayaan mo na lamang maranasan ito. Mayroon akong inihandang mga tips kung paano makakaiwas sa pananakit ng ngipin. Gusto mong malaman? Magpatuloy lamang saiyong pagbabasa.

Paano maiwasan ang toothache: Wastong pangangalaga sa ngipin!

Para makaiwas sa pananakit ng ngipin, mayroong mga mabisang paraan para dito. Kaya naghanda ang artikulong ito ng iba’t ibang tips para maiwasan ang pananakit ng ngipin na maaaring mauwi sa pamamaga ng pisngi. Ugaliin lamang ang mga sumusunod:

  • Ugaliin ang pagsipilyo pagkatapos kumain at bago matulog. Ito ang pinakamabisang paraan para matanggal ang mga dumi sa ating ngipin. Dahil sa pagsisipliyo, matatanggal ang mga namamahay na bakterya sa loob ng ating bibig na maaaring pagmulan ng toothache.
  • Gumamit ng dental floss para matanggal ang mga particles o tinga na naiwan sa pagitan ng mga ngipin.
  • Iwasan ang mga matatamis na pagkain kagaya ng tsokolate, candy, cake, at iba pang matatamis na kakanin.
  • Kung sensitibo naman ang iyong ngipin, mas makakabuti ang pagiwas sa mga pagkain at inuming malalamig kagaya ng soft drinks, ice cream, ice candy, at iba pa.
  • Magsagawa ng regular check-up sa isang dentist. Napakahalaga ito para masuri at mabantayan ng doktor ang estado ng iyong ngipin at para makaiwas ka rin sa posibleng tootache.

Gamot sa pamamaga ng pisngi dahil sa ngipin

Ang pamamaga ng pisngi dahil sa pananakit ng ngipin ay isang natural na reaksyon ng ating pisngi. Ang nana na tumubo sa loob ng ngipin ang siyang pangunahing dahilan nito. Kapag ang pananakit ay malala at may kasama ng lagnat, pamamaga ng gilagid, leeg, at lalong lalo na ang pisngi, maaari ng subukan ang magpatingin sa isang dentista.

Pero bago ito gawin, narito ang ilan sa pangunang lunas na dapat mong gawin sa namamaga mong pisngi dahil sa sakit ng ngipin. Gawin lamang ang mga sumusunod:

  • Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Ang maligamgam na tubig ay tumutulong para mabawasan ang sakit habang ang asin naman ay tumutulong na ma-disinfect ang affected area.
  • Maglagay ng cold compress. Ang paglalagay ng cold compress sa pisngi katapat sa pananakit ng ngipin o gilagid ay makakabawas sa pamamaga nito. Ibalot ito sa tela at huwag direktang ilagay ang yelo sa pisngi.
  • Kapag hindi na matiis ang sakit. Maaari namang uminom ng mga over the counter drugs katulad ng pain reliever para mabawasan ang sakit. Siguraduhin lamang na tama ang dosage na iyong iinumin.
  • Para maibsan ang sakit, masahihin ng mga malilinis na daliri ang mga gilagid pagkatapos magmumog.

Halamang gamot sa pamamaga ng pisngi dahil sa ngipin

  • Bayabas – Pakuluan sa loob ng isang oras ang isang base ng tinadtad na dahong sariwa sa dalwang basong tubig. Salain at palamigin. Pagkatapos ay inumin ito para gumaling
  • Bunga – Balatan ang tatlong bunga. Dikdikin at pakuluan ng sampong minuto sa dalawang basong tubig. Gamiting pang-mumog o panglinis ng bibig.
  • Kaymito – Pakuluan ng sampong minuto sa dalawang basong tubig ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon. Pagkatapos ay gamitin itong pang mumog.
  • Duhat – Pakuluan ng sampong minuto ang tinadtad na sampong sariwang dahon sa dalawang basong tubig. Gamiting pang-mumog at panlinis ng bibig.
  • Abukado – Humiwa ng maliit na piraso ng buto ng abukado at ipasok sa butas ng ngipin. Pagkatapos ay palitan ng dalawang beses maghapon.
  • Kataka-taka – Magdurog ng dahon ng kataka-taka at itapal ito sa namamagang pisngi. Hayaan ito sa loob ng 20 minuto.
  • Yerba Buena – Magdikdik ng mga sariwang dahon at katasin. Basain ng katas ang isang maliit na piraso ng bulak. Pagkatapos ay ipasak ang bulak na may katas sa butas ng iyong ngipin.

Pamamaga ng pisngi dahil sa ngipin? Magpatingin na sa isang dentista!

Kapag ang mga nabanggit sa itaas ay nasagawa naman ng maayos ngunit wala pa ring epekto. Mas makakabuti na ang magpatingin sa doktor. Mayroong mga malalang kaso kasi na kinakailangan na ang resetang gamot galing sa isang dentista. Mayroon silang mga isinasagawang medical procedure katulad ng paglinis ng ngipin, pag dis-infect ng bibig, at ang pinakamabisa sa lahat ay ang pagbunot ng sirang ngipin. Kung ang apektadong ngipin naman ay nasa harapan at kailangang bunutin, huwag manghinayang dahil maaari mo namang palitan ang tinanggal na ngipin gamit ang false teeth o postiso.

Ang tooth decay o bulok na ngipin ang siyang pangunahing sanhi ng pananakit ng ngipin na siya namang dahilan ng pagmaga ng pisngi. Maaari ka ring magkaroon ng bad breathe o mabahong hininga dahil dito. Alam kong hindi mo gugustuhin ito!

Napakahalaga na maalis ang sirang ngipin, Alam mo ba na nakakahawa ito? Ang mga bakterya na nasa loob ng bulok na ngipin ay maaaring lumipat sa mga katabing ngipin at mauuwi rin sa pagkabulok. Kung kaya’t sundin lamang ang wastong pagalaga sa ngipin upang maiwasan ang pagkasira ng mga ito.

Katulad Na Mga Artikulo