Paano Magsipilyo ng Ngipin: Tamang Paraan ng Pag-toothbrush

May partikular na mga pagkain lalo na ang may mataas na carbohydrates at asukal ay maaaring magparami sa mga bacteria sa bibig na kumakain ng enamel. Ito ay makapipinsala pagkaraan lamang ng 25 minuto pagkaraan ng pagkain. Sa pamamagitan ng pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain, maaalis nito ang bacteria bago pa man nito kainin ang enamel ng iyong ngipin.

Paano magsipilyo ng ngipin?

Nakakatuwa, marami paring mga Pinoy ang naghahanap sa internet ng pamamaraan kung paano magsipilyo ng ngipin. Sundin mo ang sumusunod na mga tips kung paano magsisipilyo.

Ipwesto ang toothbrush sa anggulong 45 degree sa gilagid. Igalaw ang toothbrush pasulong at paurong. Ulitin ito sa bawat ngipin.

Silipyuhan ang ilalim na bahagi ng bawat ngipin gamit ang nauna nang teknik. Sipilyuhan ang ibabaw ng ngipin na ginagamit mong pang nguya.

Gamitin ang dulong bahagi ng toothbrush para maabot ang likod ng bawat ngipin, sa harap at sa likod, sa ibabaw at sa ilalim, sa galaw na pataas at pababa.

Siguraduhing masipilyuhan ang iyong dila para maalis ang bacteria ng dahilan ng mabahong hininga.

Para sa mas magandang resulta, kailangan mong gumamit ng FDA approved na toothpaste na naglalaman ng fluoride para makaiwas ka sa pagkabulok ng ngipin. Ang ibang toothpaste ay may triclosan para mabawasan ang plaque at gingivitis.

Pero tandaan na kung minsan, ang pagsipilyo ng ngipin pagkatapos kumain ay nakakaapekto sa enamel ng ngipin. Ayon sa mga dalubhasa, kapag kumain ka ng pagkaing acidic, kailangan mong hindi muna magsipilyo ng atleast 30 minuto. Ang mga pagkaing may citric acid tulad ng orange, ubas at kalamansi at nakapagpapahina ng enamel. Ang pagsipilyo sa mismong pagkatapos ng pagkain ng ganitong mga pagkain ay nakakasira ng enamel sa panahong ito ay mahina.

Kaya, mas maganda kung magsisipilyo ka bago ka kumain ng pagkaing acidic at uminom ng tubig pagkatapos mong kumain para mahugasan ang asido na kumapit sa ngipin. Kung ayaw mong hindi ka mapagsipilyo agad, mas maganda kakain ka ng masusustansyang pagkain na mababa sa carbohydrates at asukal pagkatapos mong kumain ng acidic na pagkain. Makakatulong ito na mabawasan ang epekto na mapaniranf asido na nasa pagkain.

Karagdgan pa, ayon sa mga dalubhasa sa dental health, ang matagal na pagkakahantad sa phosphoric acid na nasa softdrinks ay maaaring makasira sa pang ibabaw na bahagi ng ngipin. Ang acid erosion ay nagdudulot ng permanente, hindi na magagamot na pinsala sa ngipin. Para mabawasan ang acid erosion, bawasan ang pag-inom ng softdrink at pagkain ng matatamis.

Higit pa sa pagsisipilyo ang kailangan

Nasagot na natin ang tanong na paano magsipilyo ng ngipin, pero alam mo ba na minsan, higit pa sa pagsisipilyo ang kailangan mo? Bagaman araw-araw ka naming nagsisipilyo sa loob ng napakaraming mga taon, baka masorpresa ka kung malalaman mong hindi mo naman pala nalilinisan ng lusubusan ang iyong bibig. Halimbawa, alam mo ba na ang tamang pagsisipilyo ay dapat abutin ng hindi bababa sa dalawang minuto? Karamihan sa atin ay hindi nakakaabot sa ganyang katagal na paglilinis ng ngipin.

So ano nga ba ang dapat gawin? Paano ang tamang pagsisipilyo ng ngipin? Narito ang apat na mga steps na dapat mong tandaan kung gusto mong mapangalagaan ang kalusgan hindi lamang ng iyong ngipin kundi ang iyong bibig sa pangkalahatan.

  • Magsipilyo ng at least dalawang beses araw araw gamit ang fluoride toothpaste sa loob ng hindi bababa sa dalawang minute, pag gising sa umaga at bago matulog.
  • Gumamit ng dental floss isang beses araw-araw.
  • Bawasan ang bilang ng snacks
  • Magbisita sa dentista tuwing ika-anim na buwan para sa checkup at paglilinis ng ngipin.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Paano Magsipilyo ng Ngipin: Tamang Paraan ng Pag-toothbrush
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO