Paano Gamitin Ang Baking Soda sa Ngipin?

Ang baking soda o sodium bi-carbonate ay kadalasan ng ginagamit sa kusina. Pangunahin ng ginagamit sa pag luluto, sa pag bake at sa paglilinis, ito rin ay isang popular na alternatibo sa pag pa-paputi ng ngipin. Maraming mga toothpaste company ang nag simula ng gumamit ng baking soda bilang isang kasangkapan sa kanilang toothpaste. Mahusay ang baking soda sa pag tanggal ng plaque formation na dulot ng pag inom ng kape at pag-gamit ng tabaco.

Gusto mo bang pumuti ang iyong ngipin? Narito ang kinakailangan mong mga impormasyon kung paano gamitin ang baking soda sa ngipin!

Bakit naninilaw ang ngipin?

Ang iyong ngipin ay nagiging dilaw dahil sa mantsa na dala ng ilang uri ng pagkain; mantsa na maaaring nasa ibabaw o nasa ilalim ng ngipin, at kung minsan, ang pagmamantsa ng ngipin ay hindi mo basta basta maiiwasan. ang paninigarilyo at palaging pag inom ng kape ay dahilan din ng paninilaw ng ngipin. Kung ang paninilaw ng ngipin ay dahil sa mantsa o iba pang mga dahilan, may mga produktong pwede mong gamitin bilang pampaputi ng ngipin at ang iyong dentista ay maaaring magpayo saiyo kung ano ang magandang gawin para pumuti ang iyong ngipin.

Paano gamitin ang baking soda sa ngipin: Step by step procedures

Marami na sa ngayon ang ang gumagamit ng baking soda sa pag papa- puti ng kanilang mga  ngipin. Maari mong sundin ang mga sumusunod na pamamaraan.

Step 1.  Kumuha ng kutsara at platito,tamang dami ng kalamansi juice para makagawa ng paste at tootbrush.

Step 2. Kumuha ng isang kutsarang baking soda ilagay s platito patakan ng lemon at haluin ng mabuti hanggang sa mag mukha itong toothpaste. Panusan ang bibig at alisin ang laway gamit ang tissue o paper towel. Maglagay ng paste sa toothbrush at ipahid ito sa ngipin.

Step 3. Ipahid sa ngipin ng dahan-dahan sa loob ng dalawang minuto. Banlawan para hindi sirain ng asido sa kalamansi ang enamel ng ngipin. Kung tubig ang ginamit mo, pwede mo itong hayaan sa loob ng tatlong minuto.

Step 4. Gawin ito ng dalawang beses s loob ng isang linggo. Huwag gawin araw-araw baka masira ang ngipin mo.

Maging matiaga at makikita mo ang resulta.

Paggamit ng baking soda sa ngipin: safe ba o hindi?

Ngayong alam mo na kung paano gamitin ang baking soda sa ngipin, mas mabuting itanong mo rin kung safe ba ang paggamit nito. Kapag ang baking soda ay nahaluan ng tubig ito ay nagiging alkaline solution na nag papa labas ng free radical at nakakatulong upang pumuti ang ngipin. Marami pang pakinabang ang pag gamit ng baking soda maliban sa magandang ngiti. Nakakatulong din ito sa iba pang mga problema sa bibig gaya ng mouth ulcers. Ang kombinasyon ng alkaline, baking soda at tubig ay nakaka  tulong upang maging balanse ang acid na nakaka tulong upang masiyahan ang isa sa kanyang pagkain.

Disadvantages ng pag gamit ng baking soda sa ngipin

Ang mga sumusunod ay ang mga pangit na resulta ng paggamit ng baking soda:

  • Nakakasira ng enamel.
  • Nakakasira ng gums.
  • Hindi sapat para malabanan ang cavity.
  • Nag-iiwan ng uncomfortable after-taste.

Ipinapakita sa mga resulta ng paggamit ng natural na mga pamamaraan, ang paninilaw ng ngipin ay pwedeng maayos sa pamamagitan ng pag gamit ng baking soda. Pero ang iyong dentista ay maaring may mas mahusay na paraan na maipapayo sa iyo sa pag papa puti ng iyong ngipin. Maari ka nilang bigyan ng bleaching kit na magagamit mo sa loob ng iyong bahay.

Katulad Na Mga Artikulo