nandito ka
Gamot sa Namamagang Gilagid na may Nana bibig 

Gamot sa Namamagang Gilagid na may Nana

Kapag ang loob ng bibig mo ay nasugatan o nairita, ang mga bacteria ay maaaring makapasok at maging sanhi ng malalang impeksyon. Kung minsan, mapapansin mo ang nana sa gilagid ng ngipin. Kung ang nana sa gilagid ay hindi maalis, ang apektadong bahagi ay patuloy na mamaga at sasakit. Ito ay tinatawag sa medical na terminology bilang abscess. Ang abscess ay lilikha ng harap sa palibot ng impeksyon. Ito ay isa sa mga pamamaraan ng katawan mo na hindi na maikalat ang impeksyon.

Ano ang nana sa gilagid?

Ang nana sa gilagid ay mabilis na mabuo. Kung minsan nabubuo ito sa loob lamang ng isa o dalawang araw matapos na magsimula ng impeksyon.

Ang nana sa bibig ay may dalawang uri:

Ang nana sa gilagid o kilala din sa tawag na periodontal abscess, ay kadalasang sanhi ng impeksyon sa pagitan ng mga ngipin at ng gilagid. Ang impeksyon ay maaaring mangyari kapag ang mga tira-tirang pagkain ay ma-trap sa gitna ng ngipin at gilagid. Sa mga pasyenteng may malalang nana sa gilagid, ang bacteria ay maaaring mamuo sa ilalim ng gums hanggang sa buto na kinakabitan ng mga ngipin.

Sa kabilang banda, ang nana sa ngipin o kilala rin sa tawag na periapical abscess ay namumuo sa loob mismo ng ngipin. Ito ay nangyayari kung ang nerve sa ngipin ay patay na o malapit nang mamatay. Nagsisimula ang ganitong impeksyon sa dulo ng tooth root at kumakalat sa kalapit na mga buto.

Gamot sa gilagid na may nana

Ano ang gamot sa namamagang gilagid na may nana? Pag-usapan natin yan. Karamihan sa mga kaso ng nana sa gilagid ay napakaskit kaya naman ang mga pasyente na meron nito ay nag hahanap agad ng gamot sa nana sa gilagid. Kung minsan naman, ang impeksyong ito ay nagdudulot lamang ng kaunting sakit. Sa ibang kaso nga, walang nararamdamang sakit ang pasyente. Subalit kung ang nana sa gilagid ay hindi gagamutin, ito ay maaaring magtagal ng mga buwan o mga taon pa nga! Hindi ito gagaling ng kusa, kaya mahalagang huwag mong isawalang bahala ang mga sintomas nito.

Kung ang impeksyon ay hindi magagamot, maaaring sirain nito ang mga nakapalibot na ngipin at buto. Kung minsan, nagkakaroon ng butas na parang tunnel sa buto at balat para lamang makalabas ang nana. Ang butas na ito ay tinatawag na fistula o sinus tract. Pwede mo itong makita o maramdaman sa loob ng bibig mo. Ang fistula ay parang pimples. Kung meron kang nana sa gilagid na lumalabas sa pamamagitan ng fistula, baka mapansin mo ang kakaibang lasa sa bibig mo.

Ano ang maaari mong gawin bilang gamot sa gilagid na may nana? Sa pagkakaalam na ang pagkakaroon ng nana sa gilagid ay seryoso dahil ang impeksyon ay maaaring kumalat sa iba’t ibang bahagi ng katawan mo, tatawag ka sa dentista mo para makapag set up ng appointment para sa checkup.

Kung mapansin mong may parang pimple na tumutubo sa gilagid mo, magmumog ka tubig na may asin ilang beses kada araw. Ihalo mo ang kalahating kutsarita ng asin sa walong onsa ng tubig. Makakatulong ito na mailabas ang nana sa gilagid at mabawasan ang pressure sa apektadong bahagi. Pero tandaan, kahit na ang pagmumumog ay para bang nakakabawas ng sakit at mukhang epektibo, dapat na magbisita ka pa rin sa dentista mo sa lalong madaling panahon.

Ano ang gagawin ng dentista bilang gamot sa namamagang gilagid na may nana? Isasagawa niya ang mga pamamaraan para malinisan ng mabuti ang apektadong bahagi, mapalabas ang nana na naipon sa gilagid at magamot ang impeksyon. Hanggang hindi na isasagawa ang mga nabanggit na paraan, hindi bubuti ang lagay ng nana sa gilagid.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Namamagang Gilagid na may Nana
1 (20%) 1 vote